Tuesday, September 8, 2015

Pekeng pwet

Umuwi si ate galing party madaling araw na. Eh gising pa ako nun dahil nanonood pa 'ko ng movie. Nang mapansin ko parang may kakaiba kay ate. Ako: Te? Ang laki ata ng pwet mo dyan sa suot mo? Hinubad ni ate yung fitted na paldang suot niya. At hindi ko kinaya ang mga sumunod na eksena pagkatapos. Hinubad nya ang bra na may lamang medyas. At yun pala ang sikreto kung bakit malaki ang pwet niya sa soot nya. BRA NA MAY PALAMANG MEDYAS. = Pekeng Pwet Kapatid 2014 Institute of Arts and Sciences (IAS) FEU Manila

No comments:

Post a Comment